Ang Bisikleta
Napupuna ni Omar ang malimit na pagparoon ng kanyang Lolo Carlos sa silid ng kanyang mga magulang. Sa pagkakataong ito, habang naglalaro siya sa may sala, ay nakita niyang patalilis na pumasok sa loob ng silid ang abuelo. Alam niyang naroon sa loob ang kanyang ama dahil kadarating lamang nito mula sa trabaho at marahil ay nagsisiesta. Ang kanyang ina ng mga sandaling iyon ay nasa kusina at naghahanda ng kanilang hapunan, samantalang ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid naman ay nasa kanugnog na silid at nag-aaral ng leksiyon. Hindi niya pansin sa simula ang nagaganap sa loob ng silid hanggang sa marinig niyang magtaas ng boses ang kanyang ama. Dinig niya ang boses nito hanggang sa labas ng silid, at sa kadahilanang iyon kaya nabighani siyang lumapit sa may pinto upang makinig. “Itay, kabibigay ko lang sa inyo noong isang linggo, hindi ba?” narinig niyang wika ng kanyang ama. Kung hindi lamang niya ito kilala ay iisipin niyang nagagalit n