Posts

Goodbye, My Captain

Image
            Matulin ang kanyang takbo at wala ni katiting na pag-iingat, baliwala kahit matapilok pa siya. Hindi rin niya alintana kung saan siya patungo sa mga sandaling iyon, kung magawi’t maligaw siya sa gubat na malapit sa kanilang tirahan ay hindi na mahalaga sa kanya. Masama ang loob niya at gusto niyang mapag-isa. Sa pagkakataong ito, malayo sa kanyang inang si Carmen, malayo sa kanilang bahay, at sa mga lihim na patuloy na itinatago ng ina sa kanya. Nagsimula siyang hingalin pagkalipas ng ilang minuto kaya nagpasya siyang kupadan ang takbo. Pinahid niya ang pawis na nagsimulang dumadausdos sa kanyang noo.  Dahil dito ay hindi niya napuna ang piraso ng kahoy na nakahalang sa kanyang paanan. Bumagsak siya padapa bago pa man niya magawang sumigaw. Naramdaman niyang tumama ang ulo sa isang matigas na bagay. Napangiwi siya sa tindi ng sakit. Sinundan iyon ng pag-ikot ng kanyang paningin. Nais niyang humiyaw upang humingi ng saklolo subal...