Posts

Showing posts from July, 2016

Ang Bisikleta

            Napupuna ni Omar ang malimit na pagparoon ng kanyang Lolo Carlos sa silid ng kanyang mga magulang. Sa pagkakataong ito, habang naglalaro siya sa may sala, ay nakita niyang patalilis na pumasok sa loob ng silid ang abuelo. Alam niyang naroon sa loob ang kanyang ama dahil kadarating lamang nito mula sa trabaho at marahil ay nagsisiesta. Ang kanyang ina ng mga sandaling iyon ay nasa kusina at naghahanda ng kanilang hapunan, samantalang ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid naman ay nasa kanugnog na silid at nag-aaral ng leksiyon. Hindi niya pansin sa simula ang nagaganap sa loob ng silid hanggang sa marinig niyang magtaas ng boses ang kanyang ama. Dinig niya ang boses nito hanggang sa labas ng silid, at sa kadahilanang iyon kaya nabighani siyang lumapit sa may pinto upang makinig.             “Itay, kabibigay ko lang sa inyo noong isang linggo, hindi ba?” narinig niyang wika ng k...

Ang Sumpa sa Masantol

Image
I. Ang Barrio Masantol Sa barrio Masantol ang ulan ay isang biyaya. Minsan sa isang taon kung dumating ang biyayang iyon, at sa loob lamang ng dalawa o tatlong araw. Walang malinaw na paliwanag, maging ang mga dalubhasa, sa kamangha-manghang kaganapang ito sa Masantol. Bagama’t may kuwento akong nauulingan tungkol sa isang sumpa na ipinataw umano sa aking kinalakihang barrio. Ang sumpa ay naganap mahigit isang siglo na ang nakakaraan. Ayon sa aking ama, pag-ibig ang dahilan ng masaklap na kinahantungan ng aming munting barrio. Datapuwa’t hindi niya magawang isiwalat ang ibang detalye ng kuwento, ay may pahiwatig siyang napakaterible nito; kaya sa huli ay nakuntento na lamang ako sa kung ano ang aking narinig.             Sa aming barrio ay simple ang buhay at dahop sa kabuhayan ang mga tao. Bagama’t malawak ang mga bukirin ay walang nagtatanim dahil sa walang hanggang tagtuyot. Magkakilala ang bawat pamilya dito at karamihan...

In the Realm Called the 'Playground of the Gods'

Image
‘The bold adventurer succeeds the best.’ Day 0 - The Invitation ‘So, you’ve been to Pulag?’ Expect this rhetorical question once you’ve let the information that you’re a mountaineer slip during casual conversation. In my case, it took me ten mountains before I was able to triumphantly answer ‘Yes’ to that question. I pursued Pulag through the difficult route and that is via the ‘Killer Trail’ or the less taken Akiki Trail. We did a traverse climb of Pulag in a two-day hike, ascending from Akiki and descending to Ambangeg. It was a long and memorable journey towards this famed Cordilleran Mountain, with this being my first overnight hike. A lot of things happened which led to some self-realizations and some discoveries. It took a long time for an opportunity to climb Pulag to come. So when that opportunity finally came, I instantly accepted the invitation. It didn’t occur to me at first that it was a two day journey, that I had to shell out a significant amount o...