Posts

Showing posts from November, 2016

Bakit Ako Umaakyat ng Bundok? (V.2 - Hugot Version)

Image
‘Umakyat. Nahulog. Nasaktan. At nagmahal muli.’ Unang Akyat Napakabilis lumipas ang panahon. Ngayon ay eksaktong isang taon na ang nakalilipas mula nang subukan kong umakyat ng bundok. Hindi naging maganda ang aking karanasan sa una kong akyat noon kaya hindi ko akalain na hanggang sa kasalukuyan ay ginagawa ko pa rin ang bagay na ito. Bagamat ganoon ang kinahantungan ng akyat ko sa bundok Daraitan sa lalawigan ng Rizal ay hindi ako nagsisi at pinanghinaan ng loob. Kakatwa pa nga dahil nasundan pa ang una kong akyat hanggang sa maging sunud-sunod na ito. Naging isang hilig ang bagay na sa simula ay isa lamang sanang libangan – isang paraan upang saglit na makalimot sa stress at pagod sa trabaho. Nagpapasalamat ako dahil nagbukas ng maraming oportunidad sa aking buhay ang unang akyat ko sa Daraitan. Ang mga oportunidad na ito ay nagpabago sa aking buhay ng hindi inaasahan. Una, naging tulay ang pag-akyat ko upang magkaroon ng maraming mga kaibigan. Sa bawat akyat ko ay ma...